
Ako po si Ernesto. Karamihan sa aking mga kaibigan ay mga kapwa kong taga Ilocos at Estong ang bansag nila sa akin dito. Kakaakyat ko lang sa barko noong June. Masaya at exciting ang mga unang linggo lalo na kung iisipin ko ang laki ng perang maiuuwi ko sa pamilya kong nasa Makati. Ang pakiramdam ay parang sana habambuhay na lang ang career ko sa barkong ito.
May anak ako, magdadalawang taon at aking asawa ay di pa nakakahanap ng trabaho. Nitong mga huling araw ay mas napapadalas ko ng tinatawagan ang aking pamilya. Ang 300 na load ay kulang sa isang linngo lalo na kapag sumasapit ang gabi na ang tanging hawak ko lamang ay ang nag iisang larawan ng aking anak at asawa. Miss na miss ko na po sila. At parang di ko na kakayanin ang 4 na buwan pang pamamalagi dito sa barko. Kung umuwi man ako, sayang ang malaking kita. Kung mananatili ako, natatakot akong lumaki ang aking anak na di ako maging ka-close.
Nagtatalo ang aking isip. Matiyaga akong tao. Kaya ko naman magtrabaho bilang salesman, admin assistant kahit janito kaya kong gawin para sa pamilya ko, pero siyempre, ang kakarampot na sahod na yun ang iniisip kong hindi makakapagbigay ng sapat na magandang kinabukasan para sa aking unica hija. Ano ang gagawin ko?? Pera ba o pamilya?

Estong,
Salamat sa liham. Ang naririnig ko sa iyo ay ang iyong pagmamahal sa iyong pamilya, at binabati kita sapagkat malinaw sa iyo ay iyong pinahahalagahan. Naririnig ko rin ang tindi ng iyong pagka-miss sa kanila, at nangangahulugan ito na malapit sila sa iyo.
Wala namang tama at maling sagot sa tanong na aakyat ba o bababa. Kailangan lamang ng isang pagtitimbang sa kayang isakripisyo ng bawat isa sa iyong pamilya at pagpapalakas ng loob upang maharap ang mga challenge ng napili mong puntahan.
Ang bagay na ito ba ay napag-usapan ninyo nang mag-asawa? Mainam na ito ay pagdesisyon ninyong dalawa ng sabay. Naririnig ko sa iyo na matiyaga ka naman ang kaya mong pumili ng trabaho na hindi ka mapapalayo sa iyong pamilya bagamat mas maliit ang sahod. Baka puwedeng ipaliwanag mo sa kanya ang iyong damdamin at linawin ang inaasahan ninyo sa isa't-isa. Kung pipiliin mo na bumaba, baka mas gumaan ang iyong kalooban kung narinig mo sa iyong maybahay na pinili rin na magtiis muna sa may kaliitan na sahod upang kayo ay magkasama-sama at alam niya saan nanggagaling ang iyong desisyon.
Makipag-usap rin sa iba pang seafarer na may katagalan na sa trabahong iyan. Sa isang banda, normal sa inyong sitwasyon ang malungkot, sapagkat may nawalang pagkakalapit. Tanungin sila kung paano nila ito hinaharap at magkaroon ng pagninilay kung itong bagay na ito ay kaya mo rin batay sa iyong pagkakakilala sa iyong sarili. Suriin ang mga paraan na makakatulong sa pagpapatibay ng inyong pamilya sa kabila ng inyong sitwasyon, o di kaya ay magkaroon ng isang malinaw na plano kung hanggang kailan ka sa pagiging seafarer at ano ang puwede ninyong gawin upang mas mapalakas ang inyong katayuang pinansiyal upang di ka palagiang nasa barko, kung ito ang iyong ibig.
Naway may naitulong kami sa inyo.
3 comments:
being as seamans wife i can really relate to your story,i had been married for 9 years now and i can say that mahirap talaga maging asawa ng seaman, there are times na kelangan mo anjan sya pero wa ka magagawa kase trabaho nga e, anyways, i believe na being a parent laging mga bata ang priority natin, di ba? like my hub always tells me, pag nalulungkot sya , tatawag sya o mag iinternet sya para makausap kami at makita kami, in this modern world everything is possible, madami na means para ma ease ung loneliness mo, talk to your wife more often, o much better pag me shore leave hanap ka internet para maka pag chat kayo., im sharing you kung ano ung ginagawa namin ng hub ko, sana makatulong sa inyo, godbless!!!
mahirap na sitwasyon yang pinag pipiliian mo. ako bilang asawa ng isang seaman, nararamdaman ko ang nararamdaman mo, pero sa isang banda, sa loob ng 9 na taon ng aming pagsasama ay di talaga maiwasan pa din ang ganyang mag alinlangan ka , subalit para sa akin mas higit ang kelangan nating mga magulang ang mag sakripisyo para sa kapakanan ng ating mga anak, ikaw sa sarili mo ang mag dedesisyon nyan, kase ikaw ang higit na makakaramdam kung kaya mo pa ang mag tiis, sigurado ako na mabuti kang ama at magdasal ka para mabigyan ka ng tamang guidance para sa desisyon mong gagawin
Post a Comment