Wednesday, December 12, 2007

Letter from a Seafarer's Wife

Dear Father Nilo,

I attended one of the seminars you conducted for the dependents of migrant workers. I am a wife of a seafarer and very sad to say I'm one of those wives whose spouses became unfaithful. I discovered the infedility of my husband and without hesitation he accepted the wrong he has done to me amd his children.

The woman is a whore. The woman is pregnant with the child of my husband. Only God knows if the child is really my husband's.

I am writing you this because I am woried of the DECAYING MORAL STANDARDS of some if not the majority of our seafarers. Coming from the mouth of my husband there are so many seamen who are maintaining mistresses. So many families have already been broken. For them, earning money for the family is already enough, forgetting that family harmony and happiness is more important than anything their money can buy.

Though we are financially provided, he failed to realize the pain he inflicted not only to me but also to our children. Our children are all boys. I'm thankful to God that I raised all of them to be God fearing. I am not the best wife in the world, but i tried my very best to become a good wife to my husband. I invested and managed well the money he sent to us. In fact, I can say we can live comfortably even if he stops going abroad. But sad to note he has ambitions of his own. Its ironic that he keeps on telling me to save, save, save, but he can afford to spend thousands of pesos for a whore.

During those trying times, I found my strength only from the Lord. I confided my problem to the people whom I can trust, only 2 nuns and 2 priests. Their prayers and counselling helped me get over the crisis.

Right now, my husband told me that he has realized, it was a great mistake, asked me to trust him again, and help him rebuild our happy family again. I believe this was made possible through our prayers.

Father, I suggest that you could organize a group to conduct seminars for the departing seamen, seminars that will help them in their spiritual growth.

I believe the culture of this sector of our society need to be adressed. As a Catholic, it is painful to learn more and more families will be broken because of their loose moral standards. The children are the ones who suffered more.

I hope and pray, my call will be answered. Thank you

Thursday, August 9, 2007

Siya Na Ba?



Ako po'y nagpapasalamat dahil mayron na pong ganitong klaseng website para tumulong sa mga katulad naming seafarers. Naniniwala po akong madaming tao ang matutuwa at magnanais na magkaroon ng isang psychological approach sa aming mga concern.
Ako po si Phil. Isang seaman. Mahirap po talaga ang malayo at nasa gitna ng karagatan. Ako po ay isa sa mga seaman na mapalad na nakakabyahe sa iba't-ibang bansa. Binata po ako. Walang girlfriend at handang sumugal sa isang relationship. Di ko naman po makakailang magandang lalaki din naman po ako. Maraming mga babae na mamimeet. Iba't ibang lahi actually. May magaganda. May konting ganda lang. May sexy. May maganda ang pagkapayat! Sa dinami-dami po ng aking nakikilala, iba-ibang emotion ang aking nararamdaman. May nagiging ka-MU (mutual understanding) ako. May pang short time. Gusto ko sana yung totoo na.
Paano ko po malalaman na yun na yun? I mean, how do I know if she's the one. Maraming salamat po at naway marami pa po kayo matulungan.
Phil



Phil,
Paano ba malalaman kung ang taong kapiling natin ay "siya" na? Marami na rin ang nakapagtanong niyan at samu't-sari na rin ang naging mga kasagutan, bagamat walang ganap na kasiguruhan sa mga sagot na ito. Ang pagtingin sa pagmamahal at relasyon kasi ay isa sa mga bagay na may halong misteryo--- hindi siya magagamitan ng checklist na magsasabing ang isang tao ay Siya na nga.

Isang bagay ay malinaw: ang pag-ibig ay, oo, isang damdamin, ngunit di lamang isang damdamin. Ito rin ay isang desisyon. Isang pagpili na paulit-ulit nating gagawin, kahit pa tayo ay kasal na. Ang tunay na pag-ibig ay ang pagpili sa kanya sa lahat ng bagay.

Sumakatuwid, hindi batayan ng tunay na pag-ibig ang ganda ng damdamin na ating nararamdaman, tulad ng paghanga, pagka-attract, ligaya, atbp,---bagamat malaki ang bahagi ng mga ito--- sapagkat sa ating buhay maraming dadaan na makapagbibigay ng mga damdamin na ito. Maaari rin mawala ang mga ito. Hindi rin nababatay ang tunay na pag-ibig sa magagandang katangian ng minamahal, pisikal man o ugali, sapagkat ang mga ito ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Ang tunay na pag-ibig ay nababatay sa kakayahang magdesisyon--- na sa kabila ng lahat ng maaaring pagsubok na darating sa ating buhay---siya pa rin ang ating pipiliin.

Kung gayon may 3 mahalagang bagay na mainam na isa-alang-alang:

Una, ang tunay na pag-ibig ay nakasandal sa malalim na pagkilala at pakikipagkaibigan sa isang tao. Hindi mo puwedeng mahalin ang isang tao na hindi mo ganap na kilala, sapagkat paano mo masasabi na tinatanggap mo ang kanyang buong pagkatao kung hindi mo siya kilala. Authentic intimacy--- ang ibig sabihin nito at mayroong tiwala sa isa't-isa na maipakita ang totoong ikaw, tumanggap at matanggap, at maanyayahan na lumago. Tayo ay minamahal sa kabila ng di magagandang bahagi ng ating pagkatao ngunit nakatutok sa paglago at pangangalaga. Mayroon kasing pekeng intimacy at kung minsan ang sinasabing M.U o mutual understanding ay sabi nga ni Jessica Zafra ay U.D. pala---unilateral delusion. Ibig sabihin nito ay hindi naman pala nagkakaintindihan kung hindi nakikita lamang ng bawat isa ang gusto nilang makita sa kanilang kapareha.

Pangalawa, ang tunay na pag-ibig ay dalawang tao na buo kahit mag-isa, ngunit pinili na mag-sama. Ang ibig sabihin nito, ang udyok ng pagsasama ay hindi upang "mabuo" tayo. Kung tayo ay lonely, malungkot at di satisfied sa ating buhay bilang single, hindi tayo sasaya na may kasama. Iproseso muna ang sarili upang masiyasat kung mayroon bang mga isyu na sasagabal sa atin sa konteksto ng relasyon.

Pangatlo, ang tunay na pag-ibig ay pag-ibig na magpapalapit sa iyo sa Panginoon at sa kapwa. Ang pag-ibig na makasarili, na ibinibigay lamang ang oras sa isa't-isa, o di kaya ay nangangailangan na magtago ay dapat pagnilayan kung tunay ba o hindi. Mainam na tayo ay bukas sa komento at obserbasyon ng iba---higit sa lahat ng Ama. Kung ang oras mo ay nakatutok lamang sa taong ito na isinasara mo ang iyong sarili sa mundo o responsibilidad, ito ay makasariling damdamin lamang.

Aakyat? Bababa?


Ako po si Ernesto. Karamihan sa aking mga kaibigan ay mga kapwa kong taga Ilocos at Estong ang bansag nila sa akin dito. Kakaakyat ko lang sa barko noong June. Masaya at exciting ang mga unang linggo lalo na kung iisipin ko ang laki ng perang maiuuwi ko sa pamilya kong nasa Makati. Ang pakiramdam ay parang sana habambuhay na lang ang career ko sa barkong ito.

May anak ako, magdadalawang taon at aking asawa ay di pa nakakahanap ng trabaho. Nitong mga huling araw ay mas napapadalas ko ng tinatawagan ang aking pamilya. Ang 300 na load ay kulang sa isang linngo lalo na kapag sumasapit ang gabi na ang tanging hawak ko lamang ay ang nag iisang larawan ng aking anak at asawa. Miss na miss ko na po sila. At parang di ko na kakayanin ang 4 na buwan pang pamamalagi dito sa barko. Kung umuwi man ako, sayang ang malaking kita. Kung mananatili ako, natatakot akong lumaki ang aking anak na di ako maging ka-close.

Nagtatalo ang aking isip. Matiyaga akong tao. Kaya ko naman magtrabaho bilang salesman, admin assistant kahit janito kaya kong gawin para sa pamilya ko, pero siyempre, ang kakarampot na sahod na yun ang iniisip kong hindi makakapagbigay ng sapat na magandang kinabukasan para sa aking unica hija. Ano ang gagawin ko?? Pera ba o pamilya?



Estong,

Salamat sa liham. Ang naririnig ko sa iyo ay ang iyong pagmamahal sa iyong pamilya, at binabati kita sapagkat malinaw sa iyo ay iyong pinahahalagahan. Naririnig ko rin ang tindi ng iyong pagka-miss sa kanila, at nangangahulugan ito na malapit sila sa iyo.

Wala namang tama at maling sagot sa tanong na aakyat ba o bababa. Kailangan lamang ng isang pagtitimbang sa kayang isakripisyo ng bawat isa sa iyong pamilya at pagpapalakas ng loob upang maharap ang mga challenge ng napili mong puntahan.

Ang bagay na ito ba ay napag-usapan ninyo nang mag-asawa? Mainam na ito ay pagdesisyon ninyong dalawa ng sabay. Naririnig ko sa iyo na matiyaga ka naman ang kaya mong pumili ng trabaho na hindi ka mapapalayo sa iyong pamilya bagamat mas maliit ang sahod. Baka puwedeng ipaliwanag mo sa kanya ang iyong damdamin at linawin ang inaasahan ninyo sa isa't-isa. Kung pipiliin mo na bumaba, baka mas gumaan ang iyong kalooban kung narinig mo sa iyong maybahay na pinili rin na magtiis muna sa may kaliitan na sahod upang kayo ay magkasama-sama at alam niya saan nanggagaling ang iyong desisyon.

Makipag-usap rin sa iba pang seafarer na may katagalan na sa trabahong iyan. Sa isang banda, normal sa inyong sitwasyon ang malungkot, sapagkat may nawalang pagkakalapit. Tanungin sila kung paano nila ito hinaharap at magkaroon ng pagninilay kung itong bagay na ito ay kaya mo rin batay sa iyong pagkakakilala sa iyong sarili. Suriin ang mga paraan na makakatulong sa pagpapatibay ng inyong pamilya sa kabila ng inyong sitwasyon, o di kaya ay magkaroon ng isang malinaw na plano kung hanggang kailan ka sa pagiging seafarer at ano ang puwede ninyong gawin upang mas mapalakas ang inyong katayuang pinansiyal upang di ka palagiang nasa barko, kung ito ang iyong ibig.

Naway may naitulong kami sa inyo.

Wednesday, June 20, 2007

Naguguluhan


May limang taon na rin po akong nagtatrabaho bilang isang assistant cook sa isang cruise ship. Mahirap at malungkot ang buhay dito sa barko ngunit kahit papaano ay nakakahanap din naman kaming mga seaman ng paraan para mapasaya namin ang aming sarili habang kami ay nalalayo sa aming pamilya. Tuwing day off naming, mahilig kaming mamasyal sa kung saan mang port kami naka dock. Dito sa mga lakad na ito ko nakilala ang isang Pinay na waitress na nagtatrabaho din sa barko na sinasakyan ko. Naging girlfriend ko siya. Mabait at maalalahanin siya. Alam niya ang katayuan ko sa buhay at ni minsan hindi niya ako pinilit na iwan ang aking asawa at mga anak. Ang akin pong asawa ay hindi nagtatrabaho at maliliit pa ang gaming mga anak. Buhay pa rin po ang aking mga magulang at kapwang umaasa sa perang pinapadala ko sa kanila. Simula pa lang nang ako’y unang sumampa sa barko dahan-dahan na po akong nag-iipon at wala naman po akong balak na magtagal sa barko. Awa ng Diyos malapit na po akong pwedeng umuwi sa amin at sapat na rin po ang aking naipon para makasimula ng maliit na negosyo. Dapat sana ay masaya na ako ngunit tuwing naiisip kong di ko na makikita ang aking girlfriend ay parang ayaw ko nang umalis dito. Magkakalayo po ang aming probinsiya at siya rin ay balak nang magnegosyo sa lupa. Marami na po ang nakapagsabi sa amin na dapat na naming tapusin an gaming relasyon at wala daw itong patutunguhan ngunit di talaga namin magawa ito. Di ko makuhang isipin din na iwanan ang aking mag-ina kaya ako po ay naguguluhan na.
Ano po kaya ang dapat kong gawin?



Nabasa ko ang iyong liham at naiinitidihan ko ang naguguluhan mong kalooban ukol sa nararamdaman mo sa iyong girlfrioend at sa iyong pamilya.

Mukhang napapanahon ang mga ganitong uri ng problema sa ating lipunan. Makikita natin sa mga telebisyon, nababasa sa mga pahayagan at napapanood sa mga sinehan. Iba-iba na rin ang mga lesson na iniiwan ng mga palabas na ito.

Sa iyong katayuan, mas mainam na pag isipan mong maigi ang mga magiging desisyon mo. Tama ang mga taong nagsasabi sa iyo na iwanan mo na ang iyong girlfriend. Sapagkat sa realidad, sa iyong misis mo ikaw sumumpa sa harap ng dambana. Sa kanya mo inalay ang wagas mong pag ibig. On the other hand, hindi ko din kasi alam kung ano ang nagtulak sa iyo upang mapunta ka sa isang pinagbabawal na relasyon sa iyong girlfriend.

Having an affair outside your relationship would surely have a negative effect on your marriage. It erodes trust. Your wife will feel betrayed. It will make things very complicated.

Samakatuwid, if you are going to choose between your wife and girlfriend, make a firm decision and live with it. You really need to think of your moral obligations as well as your own happiness. And when you choose, you need to be prepared for the consequences of your actions. Napakahirap nitong susuungin mo, pero kinakailangan ang desisyon mo ay ang desisyon na wala ng balikan.

Naway natulungan kita sa iyong problema.