Wednesday, June 20, 2007

Naguguluhan


May limang taon na rin po akong nagtatrabaho bilang isang assistant cook sa isang cruise ship. Mahirap at malungkot ang buhay dito sa barko ngunit kahit papaano ay nakakahanap din naman kaming mga seaman ng paraan para mapasaya namin ang aming sarili habang kami ay nalalayo sa aming pamilya. Tuwing day off naming, mahilig kaming mamasyal sa kung saan mang port kami naka dock. Dito sa mga lakad na ito ko nakilala ang isang Pinay na waitress na nagtatrabaho din sa barko na sinasakyan ko. Naging girlfriend ko siya. Mabait at maalalahanin siya. Alam niya ang katayuan ko sa buhay at ni minsan hindi niya ako pinilit na iwan ang aking asawa at mga anak. Ang akin pong asawa ay hindi nagtatrabaho at maliliit pa ang gaming mga anak. Buhay pa rin po ang aking mga magulang at kapwang umaasa sa perang pinapadala ko sa kanila. Simula pa lang nang ako’y unang sumampa sa barko dahan-dahan na po akong nag-iipon at wala naman po akong balak na magtagal sa barko. Awa ng Diyos malapit na po akong pwedeng umuwi sa amin at sapat na rin po ang aking naipon para makasimula ng maliit na negosyo. Dapat sana ay masaya na ako ngunit tuwing naiisip kong di ko na makikita ang aking girlfriend ay parang ayaw ko nang umalis dito. Magkakalayo po ang aming probinsiya at siya rin ay balak nang magnegosyo sa lupa. Marami na po ang nakapagsabi sa amin na dapat na naming tapusin an gaming relasyon at wala daw itong patutunguhan ngunit di talaga namin magawa ito. Di ko makuhang isipin din na iwanan ang aking mag-ina kaya ako po ay naguguluhan na.
Ano po kaya ang dapat kong gawin?



Nabasa ko ang iyong liham at naiinitidihan ko ang naguguluhan mong kalooban ukol sa nararamdaman mo sa iyong girlfrioend at sa iyong pamilya.

Mukhang napapanahon ang mga ganitong uri ng problema sa ating lipunan. Makikita natin sa mga telebisyon, nababasa sa mga pahayagan at napapanood sa mga sinehan. Iba-iba na rin ang mga lesson na iniiwan ng mga palabas na ito.

Sa iyong katayuan, mas mainam na pag isipan mong maigi ang mga magiging desisyon mo. Tama ang mga taong nagsasabi sa iyo na iwanan mo na ang iyong girlfriend. Sapagkat sa realidad, sa iyong misis mo ikaw sumumpa sa harap ng dambana. Sa kanya mo inalay ang wagas mong pag ibig. On the other hand, hindi ko din kasi alam kung ano ang nagtulak sa iyo upang mapunta ka sa isang pinagbabawal na relasyon sa iyong girlfriend.

Having an affair outside your relationship would surely have a negative effect on your marriage. It erodes trust. Your wife will feel betrayed. It will make things very complicated.

Samakatuwid, if you are going to choose between your wife and girlfriend, make a firm decision and live with it. You really need to think of your moral obligations as well as your own happiness. And when you choose, you need to be prepared for the consequences of your actions. Napakahirap nitong susuungin mo, pero kinakailangan ang desisyon mo ay ang desisyon na wala ng balikan.

Naway natulungan kita sa iyong problema.

No comments: